Balatkayo lahat ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang bulaklak ang s'yang katulad mo
Ngunit paglapit ko'y walang bango
Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O, kay sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Balatkayo lahat ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang pangarap ang s'yang katulad mo
Ngunit sa isip lang lahat ng ito
Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O, kay sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo
Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O, kay sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo...