PAG-IBIG KONG LITONG-LITO
Kapag ako'y nag-iisa
Laging naaalala
Kahapon nating kay saya
Na lagi kang kasama
Kahit saan ako magtungo
Alaala mo'y hindi ko malimot
Hanggang ngayo'y hinahanap
Pag-ibig mong naglaho
Sana ay matapos na'ng
Paghihirap ng puso
Hindi malaman ano'ng gagawin ko
Upang magbalik na ang pag-ibig mo
Minamahal kita
Ngayon ko nalaman kailangan pala kita
Hindi malaman kung saan tutungo
Ang pag-ibig kong ito, litung-lito
Hindi malaman ano'ng gagawin ko
Upang magbalik na ang pag-ibig mo
Minamahal kita
Ngayon ko nalaman kailangan pala kita
Hindi malaman kung saan tutungo
Ang pag-ibig kong ito, litung-lito
Minamahal kita
Ngayon ko nalaman kailangan pala kita
Hindi malaman kung saan tutungo
Ang pag-ibig kong ito, litung-lito