Huling-huli na kita, 'wag mo nang itanggi pa
mga titig mo'y iba, pati kinang ng 'yong mata
sino ba namang "BABAE" ang hindi matutukso?
sinisiguro ko sa'yo ang puso mo lumulukso.
Antipatiko! paano mo nasabi ang mga yan?
'di ang tipo mo ang tipo ko, ang tikas mo naman?
kilabutan ka naman, baka tamaan ng kidlat"
mag pa-check up ka agad, daig mo pa'ng nilalagnat.
What?
may lagnat agad, 'di ba pwedeng sinat lang?
mga sulyap mo sa akin, wag sabihing sipat lang?
Ang kapal-kapal naman, sobra na'ng mukha na yan?
Yung kapal nito, siguro yun ang 'yong nagustuhan?
'wag mo nga 'kong husgahan, mali ang 'yong napupuna.
Kung wala kang gusto sa'kin bakit ka namumula?
Di ko naman sinasadya
natitigan ka sa iyong mga mata
at iparamdam sa'yo
ang nilalaman ng...
puso't isipan ko
kahit pa ito'y balewala lang sa'yo
Di ko naman sinasadya
natitigan ka sa iyong mga mata
at iparamdam sa'yo
ang nilalaman ng...
puso't isipan ko
kahit pa ito'y balewala lang sa'yo
Hangga't maaga pa aminin mo na ang 'yong nadarama
malaymo pareho kayo, diba't ang saya saya?
pa'no kung magbago s'ya, at maglaho ng bigla?
ang pag-ibig na pangarap... mauwi pa sa wala.
oO nga mahal ko s'ya kaso ako'y nag aalangan
na baka lumaki ang ulo nya't ako'y paglaruan.
masasaktan, aasa lang at hindi papakasalan
at pagkatapos na sakan... ako ay tatakasan lang.
'wag mong iisipin yan, 'wag masyado mag felling
alam mo na ba magiging ending,
ba't ka ba napa-praning.
Alam ko naman na alam n'ya narin
ang hindi ko lang malaman
ay kung bakit naging presko sya't lalong naging mayabang
kulang nalang ipangalandakan nya...
na sya ang gusto ko!
Ano ba'ng gusto mo, isekreto lang ang love story n'yo?
kung ako sa'yo ikaw na mismo ang mag apura
'wag mo nang hayaan pang makahanap s'ya ng iba.
Paano ko ba, ipapadama,
sa isang salita
ng hindi halata?
gusto kong sumigaw
gusto kong humiyaw
gusto kong ipakita
na ika'y mahalaga...
Simple lang mamasyal tayo
at kumain sa labas
libre mo 'ko at aminin mo pag-ibig mong wagas
Pwede rin yakapin mo 'ko
para okay ang entrada
Pwede rin i-text nalang
kung talagang nahihiya ka
"Eh! ayo'ko"
bakit, wala kang load, wala kang time?
"Basta ayo'ko lang"
ah...? gan'on ayaw mo lang, okay fine!
Teka muna 'wag kang umalis
at sasabihin ko na nga.
Sasabihin mo lang namahal mo ako
bakit 'di mo pa magawa?
oO nga mahal na kita! (weh...?)
'di ka ba natutuwa
Napilitan lang, pagkat alam ko naman 'di na 'ko makakawala
So, will you merry me?
Teka lang, teka lang
Ano?
Pag-isipan mo muna
'wag ka nga, choosy ka pa?
eh! di 'wag nalang kaya! umh!
Di ko naman sinasadya
natitigan ka sa iyong mga mata
at iparamdam sa'yo
ang nilalaman ng...
puso't isipan ko
kahit pa ito'y balewala lang sa'yo
Di ko naman sinasadya
natitigan ka sa iyong mga mata
at ipaalam sa'yo
ang iparamdam ng...
puso't isipan ko
kahit pa ito'y balewala lang sa'yo
woah... woah... woah...
Yeah... yeah... yeah...