Akala ko, di mo kayang magmahal
Sa tulad kong di mo dating iniibig
Inalis ko na sa puso at isipan ko
Ang pag-ibig mo
Di ko akalain mahal mo rin ako
Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko
dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka
Sinta...
Noon wala akong inaasam
Sapat na ang aking kaligayahan
Binuhay mo sa puso kong nalulumbay
ang nag-alay
Ng isang pag-ibig na walang hanggan
Salamat sa'yong pagmamahal
Sa pag-ibig mo, oh giliw ko... oh