Bago magtagumpay
Kailangan munang sumablay
Sa mga binabato ng buhay, kasama ang aray
Padayon, padayon
Sikmura ay sumuko, nagrereklamo, kumakalam
Di nakakabusog ang pangarap
Sadyang walang laman
Kumayod lang nang kumayod
Huwag kang aayaw
Kahit walang makapitan
Huwag kang bibitaw
Kasama sa tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng byahe ng buhay, matutong sumakay
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng byahe ng buhay, matutong sumakay
Padayon, padayon
Nadapa, Sugatan, Nagwala, Nabigo
Nalito, Lumayo, Bumugbog, Tumayo
Bukas ay may panibagong yugto
Tamang oras na nakalaan sa'yo
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Padayon.