I.
alam kung minamahal mo ako ng buong tapat
inaamin na nagkulang at ginawa ay di dapat
sinaktan ng puso mong sa akin ay sadyang tapat
ngayon nangungulila sa iyong halik at yakap
II.
sana naman, sana naman ikaw ang kapiling
sana naman, sana naman ako ay pansinin
alam kung mayroong ng ibang iniibig
ano ba ang gagawin upang ako ay mapansin
kung naiisip ko na may iba ka ng mahal
lalo lamang na nalulumbay itong buhay
turuan mong umibig ang puso at isip
ikaw parin ang siyang sinisigaw nitong aking dibdib
III.
sana naman, sana naman ibigin mong muli
sana naman, sana naman balikan mo sandali
kahit pigilan pa ang damdamin kung ito
limutin kay mahirap na ituro sa puso ko
pansinin mo pa kaya ang pag-ibig kung ito
may puwang pa ba kahit konti itong pagsamo ko
ngunit kung sakali mang ikay iwanan niya
umasa kang akoy naririto naghihintay sayo
Repeat Stanza III.
limutin kay mahirap pilitin man ang puso ko
sana naman, sana naman ay maturuan mo na limutin ka ng puso ko