Sakay ka sa bansang puro banyaga ang laman
Pati ang laman ng utak na walang pakealam
At ang sakayang ito'y parang bansang hindi pantay-pantay
May nakaupong maluwag at may halos malaglag na ang [?]
Nasa bungad ang lahat sa pag-abot ng pamasahe ay tamad
At ang mga bagong sakay ay sa dulo mapadpad
Pano tayo uunlad kung mabagal
Umusog ako nais magtagal
Baka di na maabutan ang yong kaarawan
Sasakay ka ba sa bansang halos walang patutunguhan?
Sa pagkat ang mga nagmamaneho'y interesado sa pamasahe mo lang
Kaya't bumaba kana hangga't gising ka pa
Baka lumampas san ka pa mapunta
Dahan-dahan, hindi ko makita ang dinadaanan para pumara
Ngunit harot mo namang ihinto sa gitna ng kalsada.