Ang pangalan ko'y Aristotle Pollisco
Nagaral sa Binangonan Elementary School
Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong Rizal
Nagaral ng kolehiyo, nagtigil
Nagpatuloy ng dalawang taon
Ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pagaaral
Mula pa ng pagkabata ako ang siyang kinukutsa
Sa tambayan ng mayayabang na may laman ang bulsa
Habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon
Laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon
Sa mga panghuhusga ng kanilang mga mata
Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba
At ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapit
Ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait
At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan
Aking pwedeng lakaran aking pwedeng tamnan
Ng mga binhi sa kalaunan aking pwedeng maani
At aking pwedeng masabing minsan ako ay naghari
Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam
Walang nakahadlang kahit na may pasan-pasan
Sa bawat letrang sinulat halika ika'y sumama
Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma
Siya ay si Gloc-9
Taga Binangonan, Rizal
Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar
At kahit di nakatapos ng pagaaral halika
Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma
(Repeat twice)
Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta
Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta
Ng isang pintor na inalay ang bawat araw sa buhay
Upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay
Kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis
At ang kapalara'y nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis
Kara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin
Mga salitang namulat binuhat sagad sa damdamin
At handang hanapin na mang-akin na na masabi ko na akin na
Araw na narinig ang mga sinulat kong salita
Musmos pa lamang ay dinadalangin
Maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin
Ayaw kong magtunog mayabang sa awitin na to
Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na ton
Bukod sa taga-Antipolong iniidolo ko
Wala na sigurong sasabay sa awitin kong ito kasi
Repeat 2x
Lalala