Wala ka nang pera sa daliri
di makanood ng sine
wala na bang ibang magagawa
wala na ring matatawagan
nood na lang ng TV mag-isa
ang sagwa naman ng mga Soap Opera
pare-pareho lang ang storyline nila
Ang magulang di alam kung sino
maging sila kaya sa dulo?
ang tagapagsalba'y namamatay
sisisihin na naman ang bida
makakaaway ang querida
ang kala mo patay mabubuhay
nakatitig ako na para nang tuod
‘pagkat wala namang ibang mapanood
Sana, ay pera na ko
at makikita nyo ang mga yan
isa-isa kong pabayaran
upang pagbutihin nila (ang)
paggawa ng programa
nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad nila na walang pera
kung dati ay chicanong drama
ngayon naman ay chinovela
ang susunod ba'y Iraqi opera?
eto namang nakikiuso
tauhan nga ay pilipino
ang pamagat naman ay kastila
wala na ba tayong ibang mararating?
sa pangongopya lang tayo magaling
Pera na lamang ba ang katapat mo?
kung may nais marating eh di puntahan mo
bakit ba takot na takot ka
kung biglang magbabago
kung may nais ka sabihin de sabihin mo
kahit may bayad o wala
Sana, ay pera na ko
at makikita nyo ang mga yan
isa-isa kong pabayaran
upang pagbutihin nila (ang)
paggawa ng programa
nang matuwa ang mga walang magawa