Kahit na magtiis ng dusa at lumbay
Kahit ang buhay ko'y bawii't pumanaw
Kahit na maglaho pati kaibigan
Pag-asa'y may Dios Amang papatnubay
Kahit na usigin at alimurahin
Kahit na sino pa sa aki'y magtakwil
Huwag lamang sanang sa ‘kin ay bawiin
Espiritung buhay, aliw sa panimdim
Buhay ko'y ipaglilingkod sa ‘Yo Ama
Hanggang wakas pangako ko'y magbabata
Ang samo ko at dalangin h'wag iiwan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan
Kahit na usigin at alimurahin
Kahit na sino pa sa aki'y magtakwil
Huwag lamang sanang sa ‘kin ay bawiin
Espiritung buhay, aliw sa panimdim
Buhay ko'y ipaglilingkod sa ‘Yo Ama
Hanggang wakas pangako ko'y magbabata
Ang samo ko at dalangin h'wag iiwan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan
Kamay ko'y abutin Mo, oh Ama
Ibangon Mo kapag ako'y nadarapa
Buhay ko'y ipaglilingkod sa ‘Yo Ama
Hanggang wakas pangako ko'y magbabata
Ang samo ko at dalangin h'wag iiwan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan
Buhay ko'y ipaglilingkod sa ‘Yo Ama
Hanggang wakas pangako ko'y magbabata
Ang samo ko at dalangin h'wag iiwan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan
Ang samo ko at dalangin h'wag iiwan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan
Ang awa at kalinga Mo'y aking kailangan