Pagsambang Wagas / Sambahin Ka (Live) - Musikatha
Tekst piosenki
Album: Pagsambang Wagas (Live) (2011)
Pagsambang Wagas
Inaalala ang biyaya't kabutihan Mo
O Diyos muli akong namamangha Sa'yo
Sa pangangailangan ng puso'y kinalinga Mo
Hayaan Mong yakapin Ka ng pag-ibig, awitan Ka ng…
Pagsambang wagas itataas buong puso, isipan, at lakas
Ay tanggapin O Diyos at kalug'dan
Habang nabubuhay Ika'y aking hahandugan
Ng pagsambang wagas itataas buong puso, isipan, at lakas
‘Pagkat ako'y umiibig Sa'yo
Kaluwalhatian Mo ang saysay ng buhay ko