Paano ko masasabi sayo
Ang nilalaman nitong aking puso
Paano mo malalaman na mahal kita
Dko kayang sabihin pagkat nahihiya
Umaasa parin hanggang ngayon
Na darating ang panahon
Na masasabi ko sayo
Na mahal kita mahal kita
Naririnig mo ba sinta
Ang pagmamahal ko sayo
Sana ay malaman mo
Mahal kita mahal kita
Naririnig mo ba sinta
Ang sinasabi ng puso ko sayo
Na mahal kita
At kung sakali mang malaman mo
May pag asa ba ako na mahalin mo
Sana ay buksan mo ang iyong puso
Bigyang puwang ang pagibig na alay ko
Umaasa parin hanggang ngayon
Na darating ang panahon
Na masasabi ko sayo
Na mahal kita mahal kita
Naririnig mo sinta
Ang pagmamahal ko saiyo
Sana ay malaman mo
Mahal kita mahal kita
Naririnig mo ba sinta
Ang sinasabi ng puso ko sayo
Na mahal kita
Bigyan mo naman ako ng pagkakataon
Na ihayag sa buong mundo
Ang pagibig sayo
Mahal kita