Bawat huni ng ibon, sa pag-ihip ng amihan
Wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga, sa nanlamig kong kalamnan
Init mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawaan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawaan
Paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbulong
Karilagan ng pagmamahal
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaibayong kaginhawaan.
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang.
Tapos