Sa Piling Mo - Rey Valera
Tekst piosenki
Album: Rey valera walang kapalit (vicor 40th anniv coll) (2008)
Minsan pa, lumalapit
Nagsisisi, puso'y humihibik
Oh Ama ay lingapin
Kahabagan muli Iyong alipin
Kung nasasaktan Kita
Nagagawa'y mali sa ‘Yong mata
Awa Mo ay pag-asa
Upang maging dapat sa ‘Yo Ama
Tanging ganti sa ‘Yo ay pasalamat
Dadakilain Kang walang wakas
Buhay sa piling Mo'y kay laking palad
Walang mahihiling sa lilim ng ‘Yong paglingap
Ang bawat dumarating
Araw, gabi, saya at panimdim
Lumipas ang tag-ulan
Bagyo't unos aking nalampasan
Tanging ganti sa ‘Yo ay pasalamat
Dadakilain Kang walang wakas
Buhay sa piling Mo'y kay laking palad
Walang mahihiling sa lilim ng ‘Yong paglingap
Pagtitiwala Mo'y biyaya sa akin
Di man ako dapat tinawag din
Tanging ganti sa ‘Yo ay pasalamat
Dadakilain Kang walang wakas
Buhay sa piling Mo'y kaylaking palad
Walang mahihiling sa lilim ng ‘Yong paglingap
Tanging ganti sa ‘Yo ay pasalamat
Dadakilain Kang walang wakas
Buhay sa piling Mo'y kay laking palad
Walang mahihiling sa lilim ng ‘Yong paglingap
Inihahandog sa ‘Yo'y
Pasasalamat