Sakaling di mo masilayan ang ganda ng umaga
Makaaasa ka Ako'y narito
Sa alinlangan at pagsubok na iyong nadarama
Makaaasa ka Ako'y narito
Ako'y narito kung kailangan mong karamay
Ng isang kaibigang tunay aalalay
Ako'y narito sa pagdurusa ma't kabiguan
Tagumpay ma't kaginhawaan maaasahan
Ako'y narito
Sakaling di man maglilinaw ang kinabukasan mo
Maaasahan mo Ako'y narito
At sa paglipat-lipat ng panahon
Ay tiyak ang pagbabago
Maaasahan mo Ako'y narito
Ako'y narito ikaw ay aking kakalingain
Kahit kailan man abutin iibigin
Ako'y narito aarugain ka sa tuwina
Kahit sa pagtanda'y kasama tayong dalawa
Magtatapat sa pangakong binitiwan
Sa iyo at sa Kanyang nagtakda sa atin
Maaasahan mo Ako'y narito
At sa paglipat-lipat ng panahon
Ay tiyak ang pagbabago
Maaasahan mo Magtatapat ako
Ito ang pangako
Ako'y narito