Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Bata pa tayo noon
At walang kamuwang-muwang
Magkalarong lagi
At may tuksuhan
Ng musmos na isipan
Sa bahay-bahayan
Laging bulong noon
Ng aking damdamin
Ang nadama sayo
Na 'di pa pwedeng aminin
Unti-unti mong pagganda'y nasaksihan
Tinatanaw tanaw
Iniingat ingatan
Sayang naman
Hindi mo ba ito alam?
Sayang naman
Maghihintay na lang
Sa bahay-bahayan
Na puno ng kasiyahan
Mga ngiti mong
Tila may kahulugan
Sa mura mong edad
Ako'y may kasalanan
Sa lihim kong
'di dapat sa kabataan
At dumating na nga
Ang tamang panahon
Binata na ako
At dalaga ka na ngayon
At dumating din ang
Ang kinatatakutan
Hindi ako pagka't iba pala
Ang iyong nagustuhan
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
...
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
Sariwa pa sa akin
Ang nakaraan
Kaya dama ko pa
Ang sakit na naranasan
Hindi biro ang ganitong kapalaran
Na ka'y tagal-tagal ko ng
Pinanghihinayangan
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
Sayang naman
At 'di na pwedeng balikan
Sayang naman
Itong bahay-bahayan
...