Lumang sinehan
Naaalala ko pa ang maduduming upuan
Kasama nga kitang umakyat sa buwan
Naghabulan
Oo nga't kay saya
Kasama nga kita at may pagkaing dala
Sabay patay ng ilaw sa'yong mata
Ahhhh
Isip ako ng isip kung pa'no sasabihin sa'yo
Mundong nananaginip at pusong litong-lito
Sa umpisa pa lang ng eksena ay tutok na tutok ka na
Pa'no mapapansin ang damdamin?
Nanlalamig kong kamay
Na nanalangin na hawakan mo
O kahit kaunting akbay
Sabay bukas ng ilaw, nako patay
Ahhhh
Isip ako ng isip kung pa'no sasabihin sa'yo
Mundong nananaginip at pusong litong-lito
Hanggang sa natapos na ang pelikula
'Di ko pa rin napadama
Sa ibang lugar na lang sana
O 'wag na?