I
Makikisilong lang
Magpapalipas ng ulan
Kwentuhan lang ang katapat
Pero mas masaya kung ilabas ang gitara.
Bigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na...
Umawit kasabay ng kanta.
Tuma-tambay at nagkakatitigan.
Alam naman nila kahit na di mag aminan.
Tuma-tambay at nagkaka-igihan.
Ito ang ating kwento.
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta.
II
Tayo'y umawit pa
Hanggang malimot ang ulan.
Damdamin ko'y ilalahad.
Sa bawat himig ang buhay lagyan natin ng kulay.
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Binulong ko na to dati kung nakikinig ka lang
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento (Abot tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta
(Tambay!)
Gagawan ko ng kanta.