Unang-una sa lahat, nais kong magpasalamat
Sa pag-aalaga mo sa isang katulad ko
Na malapit nang iwanan ang mundo
Di mo ko pinabayaan pilit mo kong pinaglaban sa karamdaman
Na alam naman nating lahat na hindi na kaya pang lunasan
Isa lang naman ang tangi kong hiling
Kasama ka hanggang sa aking huling hininga
Sapat na sakin nang malaman ko kung ga'no mo ko kamahal at kung gaano ko sayo kahalaga
Pinatunayan mo hinding-hindi iiwan hanggang sa dulo nang pagsubok ngayon magpapaalam na
Wag mo sanang pabayaan ang sarili, wag masyadong dibdibin hinding-hindi ako mawawala
Nandito lang ako laging gumagabay hanggang sa makahanap nang lalaki sakin pwedeng ipalit
Makita ko lang kayo na masaya ay masaya na akong harapin ating diyos na ama
Pagkawala ko ay isang daan para kayo'y magkakilala dahil kayo ay itinadhana sa isa't-isa
Matatamis na ala-ala, ang ngiti sayong mukha, mga araw na masaya kung pa'no ka mag-alala
Lagi mo kong sinasamahan sa hirap man o ginhawa kahit gaano kalungkot nakukuha mong mapatawa
Heto ay isang awitin na pasasalamat para sa isang babaeng nagpahalaga ng buhay ko
Ginawa nya ang lahat upang hindi ko madama napatapos na pala ang misyon ko sa mundo...
Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako)
Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
mga luha'y punasan na (luha'y punasan na)
Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
Paalam na mahaL...
Salamat, patawad, patawad, salamat sa lahat ng sakripisyong naipakita mong ibinigay na kapalit
Nang pagsira ko sa'ting sinumpaang mga pangakong walang iwanan
Ngunit bakit ang kapalaran ay madamot sakin ay nakasimangot tanong ko kung ano ang dahilan
Bakit kailangan na tuluyan nang magkalayo sa'ting dalawa tadhana ay mapaglaro
Pinipilit kong lumaban pero ako'y nabigo at iniwanan na ang puso kong nagdurugo
Kung maibabalik ko lang ang panahon at kaya kong patigilin ang oras kung san ako; Buhay
Na tayong dalawa na magkasama pipilitin ko na kunan ang lahat nang pagkukulang ko sayo; Mahal
Ikaw lang laging lakas nang loob upang tumayo
At ipagpatuloy ang laban kahit na humantong sa hindi inaasahan na ikaw ay iwan ko
Pero wala kong magawa subalit laging tanong bakit
Karamdaman ko'y wala, bakit kapalaran ko ay pangit
Mapait gustong magalit, sisihin ang langit kung bakit
Naipit sa sitwayong hindi ko gusto na pinipilit kong takasan
Ang kamatayang nakataning hinahagad na sa oras na nakatakdang mangyari at nangyari na't hindi ko naiwasan...
Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako)
Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
mga luha'y punasan na (luha'y punasan na)
Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
Paalam na mahaL...
Maraming salamat sa lahat ng kaligayahang ibinahagi mo
Sa buhay ko nung nakilala kita at nakasama ko sa isang pag-ibig
Nagsumpaan sa isa't-isa walang iwanan
Isang pangakong iningatan magpakailanpaman (magpakailanman)
Kahit sa langit babaunin ko lahat ng magagandang ala-ala na'ting dalawa
Nung tayo'y magkasama nangangarap at binubuo ang mga pinapanalangin ko
Na matupad lahat nang mga kahilingan ko para sayo ay gagawin ko
Patutunayan ko tapat at totoo itong pag-big buong buhay inilaban ko
Ngunit kinakailangan ko nang magpaalam sa isang malungkot na dahilan
Tungkol sa aking karamdaman na di na kayang lunasan
Mataas ang mapait na kapalaran sa pag-ibig nating dalawa
Pero wag kang mangamba ikaw lang ang nag-iisa at wala nang ibang babae na mas hihigit pa
Katulad nang pag-ibig ko sayo kahit sa kabilang buhay ito ay aking dala-dala
Pangalan mo ang sigaw kahit minsa'y naligaw itong damdamin ko
At sana'y patawarin mo ako sa lahat nang kasalanan pagkakamaling nagawa ko sayo
Mahal ako'y magpapaalam na at ang mundong ito ay lilisanin ko na
Sa kalangitan ako ang magsisilibing bituin mo
Laging nakatingin, nakabantay sayo san ka man makarating...
Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako)
Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
mga luha'y punasan na (luha'y punasan na)
Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
Paalam na mahaL...
Nais kong magpasalamat sa taas at binigyan ako nang pagkakataong makausap ka
Gusto kong mabalikan ang mga panahong at oras kung saan lumuluha ka nang mag-isa
Gusto kong yakapin ka nang mahigpit para malaman mo na nandito lang ako mahal
Na patuloy na gumagabay sayo kahit na binawian na ako nang poong maykapal
Ang huling habilin ko sa lahat nang mga nagmamahal sa akin pakiusap walang iiyak
Makita ko na sama-samang maligaya at ang kalungkutan ay mapalitan na nang galak
Dahil ang paghihirap ko, paghihirap ko, paghihirap ko sa wakas ay natapos na
Pero parang may kulang parang hindi pa dapat akong bumalik sa itaas
Ibig ko lang magpaalam sa isang tao na lubusan kong nasugatan
Mahal wag mong isipin na ika'y nag-iisa dadamayan kita kahit na ang mundo natin ay magkaiba
Harapin mo na ang bukas maging matatag ka palagi ka sanang maging malakas
At ang mga kabiguan na iyong dinanas wala namang uri nang lunas
At salamat sa oras na sakin mo inilaan mahal paalam na... Hanggang Dito Na Lang...
Mahal Hanggang Dito Na Lang ako (Hanggang Dito Na Lang ako)
Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
mga luha'y punasan na (luha'y punasan na)
Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
Paalam na mahaL...