Ikaw ay tuwid, ako nama'y hindi
Pero ‘di ibig sabihin na ako'y mali
‘Di mo alam ang aking pinagdaanan
Wala kang karapatang ako'y husgahan
‘Di ko kailangan ang maging tulad mo
Ang kailangan ko lang ay maging ako
Iba-iba tayo dapat mong tanggapin
May mga bagay na ‘di kayang baguhin
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Nakikita mo ba itong bulag sa harap mo?
Walang maaninag madilim ang mundo
‘Di man makakita ‘tong mga mata ko
Pag-ibig ng Diyos malinaw sa puso ko
Ako'y isang bulag at siya nama'y pipi
Na ngayo'y nagtagpo at nagkatabi
Kinukutya at pinagtatawanan dati
Ngunit ang totoo inspirasyon kami
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Gusto kong maglakad, ang tanong paano
Nakakalungkot bakit naman ganito
Kaya naisip ko lilipad na lang ako
Gagamitin ko pakpak ng pangarap ko
Aanhin ko ang paa sa aking sitwasyon
‘Di ko naman mahabol takbo ng panahon
Ang kailangan ko ngayon ay pag-asa
Magtatawid sa akin sa isa pang umaga
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Magkaiba man ang ating mga anyo,
Pakatandaan mo na walang perpekto,
Taliwas man ako sa'yong pamantayan,
Sa ‘ki'y may magmamahal ng walang hanggan.
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Iba ang hugis, iba ang kulay
Ngunit pantay pantay sa paningin niya
Ano ba ang hugis, ano ba ang kulay
Ang alam ko lang pantay pantay sa paningin niya.