Martes, alas-diyes, me araw pa no'n
Sa me poste ng kuryente
Merong tambay na'ng hanapbuhay
Ay ang mag-antay ng lagay.
Byernes, alas-tres, umuulan no'n
Sa me poste ng kuryente
Sa may kanto Bonifacio
Merong siga na nanunuba
At tuwang-tuwa sa kita.
Bagong amo at supremo, nang-oonse
Magkano'ng presyo mo, beinte ba o ube
Bagong amo at supremo, tsokolate
Sa kanto Bonifacio, me asong kalye.
Linggo, alas-otso, bumabagyo no'n
Sa me poste ng kuryente
Sa me kanto Bonifacio
Merong maton na nangongotong
At taun-taon ay nandoon.
Nagkakape, nagkakape
Asong kalye na nagkakape
Asong kalye na nagkakapera.